PINAGHAHANDAAN na ang pinakamalaking awards ceremony sa Hollywood ang 95th Oscars Academy Awards sa kauna-unahang pagkakataon.
Lumikha ang Academy of Motion Picture Arts and Sciences ng grupo upang tumugon sa anumang mga puwedeng mangyari, isa sa ikinabahala ng organizer sa nasabing event na posibleng magkakaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Matatandaan, nakatanggap ng matinding batikos ang nasabing film academy dahil sa naganap na pagsampal ni Will Smith kay Chris Rock sa stage, dahil sa isang biro patungkol sa asawa nitong si Jada Smith.
Hindi man ibinunyag ng organisasyon ang mga detalye tungkol sa membership ng Crisis Team ay handa umano sila at bukas sa mga puwedeng mangyari.
Sa ngayon, ipinagbabawal na munang padaluhin si Will Smith sa nasabing awarding sa loob ng 10 taon.
Samantala, ang unang pelikula ni Will Smith mula noong Oscars slap ay ipalalabas sa December 2023.
Habang magpeperform naman si Rihanna, ang kaniyang kanta na nominado rin sa Oscars na pinamagatang “Lift Me Up” mula sa “Wakanda Forever’ movie.