9,821 candidates, kukuha ng 2022 Bar Exam simula bukas –SC

9,821 candidates, kukuha ng 2022 Bar Exam simula bukas –SC

NASA 9,821 candidates ang inaasahang kukuha ng 2022 Bar Examination bukas, Nobyembre 9, 2022, ang unang araw ng pagsusulit.

Ayon sa Supreme Court (SC), sa nasabing bilang, 5,847 ang kukuha ng Bar Exams sa unang pagkakataon habang 3,974 ang kukuha sa ikalawang pagkakataon o higit pa.

Sinabi ng Supreme Court na mayroong 14 local testing centers sa buong bansa.

Nakatakda naman ang mga susunod na Bar Examinations sa Nobyembre 13, 16, at 20, 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter