988 suicide lifeline sa US, pumalo sa kalahating milyon ang tinanggap na tawag sa 5 buwan 

988 suicide lifeline sa US, pumalo sa kalahating milyon ang tinanggap na tawag sa 5 buwan 

NAKATANGGAP ang suicide and mental crisis lifeline na 9-8-8 sa Estados Unidos ng mahigit isa’t kalahating milyong mga tawag at text sa unang 5 buwan matapos ito ilunsad.

Ang hotline number na ito ay idinisenyo para sa mga taong nakararanas ng krisis sa pag-iisip at nais magpatiwakal.

Ang mga tawag na nakuha nito sa nakalipas na 5 buwan ay halos kalahating milyon na mas marami, kaysa sa lumang 10-digit na numero nito.

Ang Presidente at CEO ng Vibrant Emotional Health na si Kimberly Williams, isang non-profit organization na nangangasiwa sa 988 network ng halos 200 crisis center sa buong bansa ay nagsabi na ang pagtaas ng volume ng mga tawag ay isang pahiwatig na mas maraming tao ang nakakaalam ng serbisyo at madali nang nakaka-access nito.

Ang 988 helpline ay nagrehistro ng 154,585 mga tawag, text at chat message noong Nobyembre 2022 kumpara sa lumang national lifeline noong Nobyembre 2021, ayon sa pinakabagong data.

Ang Veterans Crisis Line, isang submenu ng 988 ay nakatanggap ng 450,000 na tawag, text at chat message, ayon sa Department of Veterans Affairs.

Sa pagtatapos ng taon, ang linya ay nakapangasiwa ng halos 10% pagtaas kumpara noong 2021.

Sinusubukan din ng 988 lifeline na pahusayin ang pag-access sa pangangalaga sa krisis para sa mga marginalized na komunidad tulad ng mga kabataang kabilang sa LGBTQ community, mga katutubong Amerikano at mga tinatawag na people of color.

Sa huling bahagi ng taong ito, magsisimula rin ang 988 lifeline na maglunsad ng video chat option sa mga tatawag.

Follow SMNI NEWS in Twitter