Mahigit 4,000 contract doctors, binigyan ng permanenteng posisyon sa Malaysia

Mahigit 4,000 contract doctors, binigyan ng permanenteng posisyon sa Malaysia

INIHAYAG ni Health Minister Khairy Jamaluddin na ginawang permanenteng kawani ng Ministry of Health ang higit apat na libong contract doctors sa bansa.

Ayon kay Jamaluddin, layunin nito na matugunan ang mga reklamo ng contract healthcare providers sa pampublikong serbisyo.

Ayon pa rito, sa mahigit 8 libong kawani ay 50 porsyento sa mga ito ang nabigyan ng permanenteng posisyon noong nagsimula ang kontrata noong 2016.

Kabilang sa mga kinuha ay 3,215 medical officers, 438 dental officers at 400 pharmaceutical officers, habang 225 applicants ang inilagay sa reserve list.

Kamakailan ay hinikayat ng Malaysian Medical Association ang gobyerno na taasan ang healthcare budget sa 5 porsyento ng Gross Domestic Product ng bansa mula sa kasalukuyang 2.59 % nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter