Mga nakakulong sa QC, bibigyan ng tsansa na makapag-aral

Mga nakakulong sa QC, bibigyan ng tsansa na makapag-aral

NAGBIBIGAY ng offer ang Quezon City government sa pamamagitan ng Schools Division Office (SDO) ng oportunidad sa mga persons deprived of liberty (PDLs) para makapagtapos ng kanilang basic education.

Nagbibigay rin ang city government ng iba’t ibang technical, vocational, at livelihood strands sa ilalim ng Senior High School Program.

Sa kabila ng kanilang sitwasyon, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang mga PDL ay may karapatan para sa tamang edukasyon.

Ayon kay Q.C. Mayor Belmonte, ang edukasyon ay pantay, inklusibo, at bukas para sa lahat at ito ay karapatan ng bawat mamamayan.

Dagdag pa nito, hindi papayag ang lungsod na maging hadlang ang katayuan ng isang tao para magkaroon ng tamang edukasyon.

 

Follow SMNI News on Twitter