A4 at indigents, nakatakda nang simulan ang bakunahan

A4 at indigents, nakatakda nang simulan ang bakunahan

NAKATAKDA nang umpisahan ng Pilipinas ang bakunahan para sa mga kabilang sa A4 at A5.

Ito ay oras na maging stable na ang supply ng bakuna sa bansa ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Ayon pa kay Galvez, inaprubahan ng mga myembro ng gabinete ng pangulo ang pagpapalawig ng vaccination para sa mga essential workers at indigent individual.

Base sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA), inihayag ni Galvez na mayroong 12.8 million ng mga manggagawang Pinoy ang nasa A4 Category at 16 million indigent Filipinos sa ilalim ng A5 Category.

(BASAHIN: Bakunahan sa A4 Group sa lungsod ng Maynila, aprubado na)

Matatandaang inumpisahan ang pagbabakuna sa mga medical frontliners, senior citizens, persons with comorbidities, at workers na kinokonsidera bilang economic frontliners.

Araneta Coliseum, muling nagbukas ng dagdag na 2,000 slots sa nais magpabakuna

Samantala, muling nagbukas ng dagdag na 2,000 slots ang Araneta Coliseum para sa mga nais magpabakuna kontra COVID-19 sa petsang Mayo 22 hanggang 23, 2021.

Sa anunsyo ng Quezon City government, maaaring magpa-book sa EZConsult website ang mga kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups para sa pagbabakuna ng AstraZeneca.

Nagpaalala naman ang city government na tanging ang mga nagbook sa EZConsult ang tatanggapin sa The Big Dome, at ipinagbabawal ang walk-in.

Para sa mga nakapagpa-book ng kanilang first dose, pinapayuhan ng LGU ang mga ito na dumating ng 15 minuto bago ang kanilang takdang oras.

Iwasan anilang dumating ng mas maaga upang hindi mapuno ang vaccination centers at mapanatili ang minimum health protocols.

SMNI NEWS