Abalos sa LGU: Palakasin ang programa at polisiya laban sa VAWC at suporta sa solo parents

Abalos sa LGU: Palakasin ang programa at polisiya laban sa VAWC at suporta sa solo parents

HINIMOK ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na palakasin ang kanilang mga programa at polisiya sa Violence Against Women and Children (VAWC) at solo parents.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Abalos, mula Enero-Hulyo 2022 ay kabuuang 6,383 VAW cases na ang naireport sa Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center habang 9,677 cases ang Violence Against Children.

Sa gitna ng pagtaas ng VAWC incidents sa panahon ng pandemic, sinabi ng DILG chief na dapat palakasin ng mga barangay at LGUs ang protective programs, counseling at support services.

Samantala, nanawagan din si Abalos sa mga LGU na mahigpit na ipatupad ang Expanded Solo Parents Welfare Act na nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga single parents.

 

Follow SMNI News on Twitter