Abalos, tiniyak ang kahandaan ng PNP sa mga kilos-protesta ngayong araw ng SONA

Abalos, tiniyak ang kahandaan ng PNP sa mga kilos-protesta ngayong araw ng SONA

TINIYAK ang kahandaan ng Philippine National Police (PNP) sa mga kilos-protesta ngayong araw ng State of the Nation Address (SONA) ayon kay Sec. Benhur Abalos,

Handang-handa na ang Pambansang Pulisya para sa isasagawang kilos-protesta o mga rally ng iba’t ibang sektor ngayong araw sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Abalos, magpapatupad pa rin ang kapulisan ng maximum tolerance.

Sa kabila ng banta ng transport strike partikular na ng makakaliwang transport group na Manibela at Piston, tiwala naman si Abalos na magbibigay ng libreng sakay ang mga ahensiya ng pamahalaan.

Umaasa rin ang kalihim na hindi itutuloy ng mga ito ang bantang tigil-pasada.

Matatandaan na nagbanta ng tatlong araw na transport strike ang grupong Manibela bilang pagprotesta sa SONA ni Pangulong Marcos.

Magde-deploy naman ng aerial drones ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para i-monitor ang galaw ng mga tao at mga sasakyan ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter