Abby Binay: Palakasin ang batas laban sa fake news at online scams

Abby Binay: Palakasin ang batas laban sa fake news at online scams

NANAWAGAN si Makati Mayor Abby Binay na palakasin ang kakayahan ng mga otoridad sa pagtunton ng mga nasa likod ng fake news at online scams.

Sa isang press conference sa Trece Martires, Cavite, sinabi ni Binay na marami ang dismayado dahil mahirap matukoy at mahuli ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon at nanloloko online.

Ayon kay Binay, malakas ang loob ng mga gumagawa ng fake news dahil hindi agad sila nahuhuli. Aniya, alam kasi nilang mahirap silang matunton kaya tuloy-tuloy lang sila sa panloloko.

Kaya naman iginiit niyang kailangang bigyan ng sapat na training at kagamitan ang mga kapulisan at iba pang mga alagad ng batas para mas mabilis nilang matukoy at mapanagot ang mga salarin.

Giit ni Binay, higit pa sa mga panukalang batas, dapat palakasin at pagtibayin ang enforcement. Kailangan aniyang may mahuli at makasuhan para ipakita na seryoso ang gobyerno.

Tiniyak ni Binay na isusulong niya ang mga hakbang para palakasin ang kampanya laban sa fake news at online scams kung siya ay mahalal sa Senado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble