HINIMAY ng abogado ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang dahilang pagbuhay sa mga nabasura nang kaso laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Take note that this case started because of the complaint filed by one person, one lady allegedly because she was raped. And then this case was dismissed by the City Prosecution’s Office on June 29 of 2020. They filed the motion for reconsideration, they lost or she lost. And this was rendered on November 23 of 2020,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.
‘Iyan ang status ng kasong isinampa laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy bago binuhay ang mga ito ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Marcos administration.
Mga kaso na hindi nakitaan ng probable cause ng Davao City Regional Trial Court.
Pero ayon sa legal team ng KOJC, halatang pinupolitika ang pagbuhay sa mga kaso.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, nag-file ang mga nag-aakusa kay Pastor Apollo ng petition of review sa hangaring mabago ang pasya ng korte.
Batay sa court proceedings, may tatlong buwan ang DOJ para aksiyunan ang petisyon.
Pero, tumagal pa ng ilang taon bago naaksiyunan ang petition for review.
“Eh anong nangyari? Nag-file tayo ng motion for early resolution, na-resolve lang ‘yun 3 years, more than 3 years na ang lumipas. Violation ‘yan sa Tatad vs. Sandiganbayan, Cagang vs. Sandiganbayan, Catamco vs. Sandiganbayan, and even Peñas vs. COMELEC,” ani Torreon.
Bukod sa binuhay, ipinagtataka rin ng kampo ng KOJC kung bakit nadagdagan pa ngayon ang kaso?
“So, right to speedy disposition of cases. ‘Yun po ang batas. ‘Yun po ang jurisprudence. Then na-file ‘yung kaso, naging non-bailable pa, naging dalawa pa and then nag-file. Sino ang nag-file ng motion or petition to transfer venue? Department of Justice. Ano ang law natin niyan?” giit pa ni Torreon.
Bukod sa dagdag na kaso, ipinagtataka rin ng KOJC kung bakit inilipat sa labas ng Davao City ang hurisdiksiyon sa mga ito.
Ito’y kahit nasa Davao City naka-file ang reklamo?
‘Eh ang nangyari dito, ‘yung Department of Justice nag-file kaagad, in violation of the law, nag-file sa Supreme Court. Ni hindi man lang kinuha ang comment namin. Na-grant. Eh ang narinig namin, masyadong na-follow-up ata doon kaya na-grant. Hindi namin alam na na-transfer na ngayon sa Quezon City,” ani Torreon.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na sinusunod lamang nila ang batas laban sa butihing Pastor.
‘Eh, hindi naman siguro pwedeng the president will say, “Sinusundan lang namin ang batas.” Ay ‘yun pong batas para sa amin hindi mo sundin. Eh kung sa’yo may warrant, gusto niyo na i-implement niyo with full force of the law, maski grabe na masyado. Eh ‘yung motion for reconsideration nga namin hindi niyo inaksyunan eh,” giit ni Torreon.
Para naman sa batikang abogado na si Atty. Salvador Panelo, kitang-kita ang paggamit sa kapangyarihan ng pamahalaan para gipitin si Pastor Apollo.
Mula sa matinding pressure na humarap sa Congressional at Senate inquiry, ngayon ay executive branches ng pamahalaan na ang bumibira.
“Had Pastor Quiboloy received a fair and just treatment in the Senate committee that probed his alleged but baseless accusations of sexual assault and human trafficking filed by unscrupulous former members of the KOJC — and if only the Department of Justice had affirmed the order of dismissal of the said cases by the Office of the Prosecutor Davao instead of reversing it and filing the cases in court — and trying him by publicity and adjudging him guilty as hell, without the benefit of a trial in court — he would have given himself up and face his accusers,” ayon kay Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Legal Counsel.
Sa huli, nanindigan ang kampo ng butihing Pastor na walang probable cause ang mga kaso kasabay ng panawagan ng patas na laban sa korte.
“Eh baka mahiya sila at ‘pag makita ‘yung ebidensiya at saka nakakahiya talaga kasi wala talagang probable cause. So, ‘yun lang po, Mr. President sana makita ninyo ‘yung punto namin. Baka naman kung makita niyo, pakibasa lang po ng pleadings niyo, namin po. Makita niyo po na wala talagang kasalanan po si Pastor kaya po ganito po ang aming sinasabi na parang galing sa puso ‘yung aming pananalita po dito kasi we truly believe in his innocence po,” saad pa ni Torreon.