Abogado sa Degamo slay case, nais mapatawan ng disciplinary action sa IBP

Abogado sa Degamo slay case, nais mapatawan ng disciplinary action sa IBP

NAIS ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na mapatawan ng disciplinary action ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang abogado ng limang suspek sa Degamo slay case.

Dahil umano sa ‘misbehavior’ kaya inireklamo na ni DOJ Sec. Remulla sa IBP ang abogado ng ilang akusado sa Degamo murder.

Ayon kay Remulla, sumulat na siya sa IBP para iparating ang ginawa ni Atty. Danny Villanueva, ang abogado ni Osmundo Rivero sa paghahain ng petition ng habeas corpus.

Pinangunahan ni Villanueva ang paghahain ng naturang petisyon sa korte para kay Rivero dahil sa alegasyon na ilegal na idinetain ang mag-anak.

Pero ayon kay Remulla, inihain nito ang petisyon kahit alam nitong na-release na ang mag-anak na Rivero sa witness protection program ng pamahalaan.

Dagdag pa niya, hindi lumagda si Villanueva sa petition bilang representante ni Rivero sa petisyon.

Ang ginawa aniya ni Villanueva ay labag sa ethical code of standard at dapat aniya malaman ng IBP bago pa i-akyat sa Korte Suprema ang usapin.

Gusto ni Remulla na mapatawan ng disciplinary action ng IBP ang abogado.

Samantala, sinabi naman ni Villanueva na hindi na siya ang tumatayong abogado ni Rivero at ng apat pang akusado.

Ito umano ay matapos ang threat na natatanggap nito ngayon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter