Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na

Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na

PUMANAW na ang 35-anyos na abogadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika.

Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo.

Ayon kay Philippine Consulate General in New York Elmer Cato, tinamaan sa ulo si John ng isa sa anim na bala na pinaputok sa sinasakyang Uber ng mag-ina.

Nagtamo naman ng 3 sharpnel wounds ang ina ng biktima.

Sinabi ni Cato na patungo sana ang mag-ina sa airport para sa kanilang flight patungong Chicago bandang alas-4:00 ng umaga.

Sa ngayon ay wala pang development ang Philadelphia Police sa nangyaring pamamaril.

Follow SMNI NEWS in Twitter