Abot-kayang presyo ng pagkain sa bansa, tututukan ni PBBM sa sektor ng agrikultura

Abot-kayang presyo ng pagkain sa bansa, tututukan ni PBBM sa sektor ng agrikultura

TUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa sektor ng agrikultura ang abot-kayang presyo ng pagkain sa bansa.

Kabilang sa mga nais gawin ng Pangulo ay ang pagpaparami sa produksiyon ng palay at mais.

Maging sa livestock supply tulad ng karneng baboy, baka, manok at isda.

Bagama’t may sapat pa aniyang suplay ng pagkain sa ngayon, hirap naman ang mamamayan sa mataas na presyo nito.

Una na ring nabanggit ng Pangulo ang pagbuo ng multi-year plan para mabago ang value chain upang mapababa ang presyo ng mga pagkain sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter