ABS-CBN Digital Channel 43, pinatitigil ng NTC dahil iligal ang operasyon

ABS-CBN Digital Channel 43, pinatitigil ng NTC dahil iligal ang operasyon

PINATITIGIL ng National Telecommunications Commission o NTC ang pag-ere ng ABS- CBN sa kanilang digital TV channel 43.

 

Ayon sa NTC, iligal ang operasyon ng Digital Channel 43 Network dahil sa patuloy na pag-ere ng ABS- CBN Digital Channel 43 sa kanilang TV Plus.

 

Kinuwestyun naman ni Public Accounts Chairman Mike Defensor dahil hinayaan lamang ng NTC na umere ang ABS-CBN sa digital TV gamit ang kanilang lumang prangkisa na nag-expire pa noong Mayo 5.

 

Nabatid kasi na ngayong wala na silang analog broadcast ay sa Digital Channel 43 na umeere ang mga programa ng Kapamilya Network pati na ang mga advertisements nito.

 

Paliwanag ng NTC, ngayong araw lamang nila natanggap ang advice ng Office of the Solicitor General o OSG na mag- issue ng alias cease and desist order para ipahinto ang pag-ere ng ABS- CBN sa digital TV.

 

Umapela din ang Kapamilya Network sa Kongreso na pagbigyan na lamang muna ang kanilang digital broadcast habang pending pa ang franchise application at sinabing hindi kasama sa may 5 CDO ng NTC ang kanilang Digital Channel 43.

 

SMNI NEWS

One thought on “ABS-CBN Digital Channel 43, pinatitigil ng NTC dahil iligal ang operasyon

  1. What are laws for,if PAAWA EPEK of Abs-cbn will be considered?They knew their violations but they totally ignored it.

Leave a Reply

Your email address will not be published.