ABS-CBN, nanawagan ng suporta sa lahat ng naniniwala sa kanila

ABS-CBN, nanawagan ng suporta sa lahat ng naniniwala sa kanila

NAGPAABOT ng pasasalamat si ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanilang network.

 

Sa opisyal na pahayag ni Katigbak, sinabi nito na ang mga natatanggap nilang suporta ang nagbibigay lakas sa kanila na harapin ang pinagdadaanang mahirap na proseso sa franchise renewal.

 

Umaasa naman aniya sila na matatapos na ang mga pagdinig sa kanilang prangkisa.

 

Ayon kay Katigbak, ang sambayanang Pilipino ang dahilan ng pagseserbisyo sa publiko ng ABS-CBN.

 

Hinimok naman nito ang mga taga-suporta ng network na naniniwala na dapat magpatuloy ang kanilang serbisyo na iparinig ang kanilang mga saloobin sa gitna ng pagpapasara sa giant network.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.