ABS-CBN, pinaikot ang sistema sa pagbabayad ng buwis — Rep. Yap

ABS-CBN, pinaikot ang sistema sa pagbabayad ng buwis — Rep. Yap

PINAGLARUAN at pinaikot ng ABS-CBN ang sistema para makaiwas sa pagbabayad ng malaking buwis, ang naging pahayag ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap.

 

Dahil dito, nanawagan ang kongresista sa Kongreso na imbestigahang mabuti ang ipinatutupad na tax regulation sa bansa, matapos mabunyag sa pagdinig sa Kamara ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

 

Binanatan pa ni Yap ang paggamit ng ABS-CBN sa Luxembourg, Hungary at Cayman Islands na kilala na mga tax haven sa buong mundo, para umano makatakas sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas.

 

Iginiit pa nito na tax avoider ang ABS-CBN dahil laging humahanap ng butas para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

 

AMCARA, walang kapasidad para makapag-broadcast sa digital TV

 

Nabunyag sa isinagawang ABS-CBN franchise hearing sa Kamara na walang technical capability ang AMCARA Broadcasting Network.

 

Ang AMCARA Broadcasting Network ay ang Digital Channel 43 kung saan umeere ang mga programa ng ABS- CBN sa TV Plus.

 

Depensa ng ABS- CBN, blocktimer lamang sila sa AMCARA at hindi nila pag-mamay-ari ang kompanya.

 

Subalit napag-alaman sa hearing na walang technical capabilities ang AMCARA para sa digital broadcast.

 

Ayon sa National Telecommunications Commission o NTC makapagbebenta lamang ng airtime ang isang broadcaster kung mayrooon silang sariling tower, broadcast facilities at personnel.

 

Natukoy din mismo ng NTC na mula sa tower ng ABS- CBN sa Quezon City nagmumula ang signal ng Channel 43 ng AMCARA.

 

Dahil dito, nais ng mga mambabatas na papasukin ang National Bureau of Investigation o NBI sa eksena upang malinawan ang lahat hinggil dito.

 

Iginiit pa ng mga mambabatas na malinaw na ginawang dummy ang AMCARA para makapag- broadcast ang ABS- CBN gamit ang ibang prangkisa.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.