BINIGYANG-diin ni Pastor Apollo C Quiboloy na haharapin pa rin ng ABS-CBN ang kaparehong prosesong pinagdaanan nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para makakuha ng bagong prangkisa kahit pa ang nagpanukala ng kanilang franchise renewal ngayon ay ang Senado.
Partikular na kakaharapin pa rin ng Kapamilya Network ang usapin ng mga paglabag nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba.
Ito ay kasunod na rin ng panukala ni Senate President Tito Sotto na pagbibigay ng franchise renewal ng ABS-CBN kamakailan lang.
Ayon kay Pastor Apollo, nagsasayang lamang ng panahon ang Senado para dito dahil ang mababang kapulungan pa rin ang may hurisdiksyon sa pagbibigay ng prangkisa.
“Now, if you will file again for the renewal of ABS-CBN, you’ll go to the process again. And if the process is repeated again, it’s the same. You have to face the same issue. Even if they will sell ABS-CBN to any other private entity. That entity would face the same issue. They should shoulder the unpaid taxes, and etc. And all of those will be tackled again in the Congress. So, why waste your time filing a bill in Senate like that when it will go to the Congress,” pahayag ng butihing Pastor.
Matatandaan na tuluyang naisara noong Mayo 5 ang Kapamilya Network matapos mag-expire ang prangkisa nito kasunod na rin ng closure order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC).