Absentee voting sa PNP, gagawin ngayong linggo

Absentee voting sa PNP, gagawin ngayong linggo

NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagdaraos ng absentee voting.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, gagawin ang absentee voting sa Abril 27, 28 at 29.

Magiging venue nito ang multi-purpose center sa Camp Crame para sa Crame-based PNP personnel.

Nabatid na mayroong 3,248 na Crame-based personnel na lalahok sa absentee voting.

Habang 26,813 PNP personnel ang lalahok sa absentee voting sa mga probinsiya.

Follow SMNI News on Twitter