INAASAHAN na ang muling pagbubukas sa publiko ng access road patungong Maddela Eco Park ngayong malapit nang matapos ang konstruksyon nito ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kasabay ng muling pagbubukas ng 1.68 access road patungong Maddela Eco Park ay inaasahang dadagsa rin ang mga turista dahil isa ito sa kilalang tourist spot sa bayan ng Maddela.
Inaasahan na ng local government ng Maddela ang pagdagsa ng mga turista sakaling magbukas na muli ang tourism activity matapos na ihayag ng Department of Public Works and Highways – Quirino District Engineering Office (DPWH-QDEO) na kumpleto na ang 1.68 kilometers access road patungong Maddela Eco Park.
Base sa ulat ni District Engineer Lorna B. Asuten kay Regional Director Loreta M. Malaluan, sinabi nitong aabot sa P100 milyon pondo ang inilaan para sa Multi-Year Tourism Road Infrastructure Program o TRIP na sinimulan ng taong 2018.
Ayon kay Asuten, hindi lang ang Maddela Eco-Tourism Park ang makikinabang sa access road kundi maging ang Zamora resort na mayroong 2,500 hanggang 3,000 mga bisita kada buwan.
Dagdag pa rito sinabi rin ni Asuten na ang konstruksyon ng 30 linear meter concrete bridge ay makakabawas sa oras ng byahe na mula sa 30 minuto ay magiging 15 minuto na lamang dahil sa nagdurugtong din ito sa Dumabato Baligui Road.