‘Achievements’ dapat marinig sa ikatlong SONA ni PBBM—Sen. Pimentel

‘Achievements’ dapat marinig sa ikatlong SONA ni PBBM—Sen. Pimentel

SA susunod na Linggo alas kwatro ng hapon ay inaasahang haharap sa sambayanang Pilipino si Bongbong Marcos para sa ikatlo niyang State of the Nation Address (SONA).

Ang talumpati, inaasahang sisentro sa achievements o mga nagawa ng kanyang administrasyon ayon kay Senate Minority Leader Aquiliono “Koko” Pimentel the 3rd.

‘’Noong unang SONA siyemre plano. Pangalawang SONA pwedeng bumubwelo pa. Ikatlong SONA dapat achievements na po lalo na sa mga departamentong binigyan ng malalaking halaga sa budget,’’ ayon kay Koko Pimental.

Nais ni Pimentel na marinig ang achievements ni PBBM para sa sektor ng agrikultura.Matatandaan na si Marcos Jr. ang nagpresinta na maging kalihim ng DA noong kauupo niya palang bilang pangulo ng bansa.

Sa kanyang unang taon sa panunungkulan ay inanunsyo ng pangulo na target nito na makamit ang bente pesos na presyo sa kada kilo ng bigas.

‘’Number one na concern ng taumbayan  siyempre agriculture eh. Pagkain, presyo ng mga bilihin, presyo ng mga pagkain. Lalo na nang presyo ng kada kilo ng bigas. We need to hear from the President sa laki ng hala nang binubuhos sa agriculture ay ano na ang resulta nito?’’ dagdag ni Pimentel.

Bukod sa agrikultura ay nais ring marinig ng senador ang update sa housing project ng pamahalaan.

Una nang inanunsyo ng adminsitrasyon ang pagpapatayo ng isang milyung housing unit kada taon o walong milyung housing units hanggang 2028.

‘’Napakalaking halaga ang ating ibinubuhos sa Housing. I really had my doubts sa targets na inanounce ng department of Housing so I want to hear a report ano na ang nangyari sa housing,’’ ayon nito.

Dahil naman sa lumalakas na panawagan na palayasin na sa bansa ang Philippine offshore gaming operators (POGO) ay inaasahan ding ibibida ito ni Marcos sa kanyang SONA.

Buwan ng Setyembre nang unang irekomenda ng Senado sa pangulo ang total ban ng POGO sa Pilipinas.

‘’Alam nyu na, na sana gulatin tayo ng presidente with a surprise announcement, kasing bagong Pilipinas siya ng bagong Piipinas eh di saan mayroon siyang bagong polisiya tungkol sa POGO,” saad nito.

Ayon naman kay Sen. Ronald “bato” Dela Rosa kailangan ng agarang pansin ang pag-ban sa POGO lalo na’t malalim na ang problema ng bansa dito.

‘’Yes yung nakikita na natin ngayon na naging mayor… Mayor Guo. Tapos ngayon meron palang katakot-takot na birth certificates na na issue dito sa mga Chinese, kasama pa yung bayan ko ng Sta. Cruz, Davao del Sur. So it has become a national threat already,’’ ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble