INAMIN ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na may naiisip na siyang pangalan na susunod na mamumuno sa Pambansang Pulisya.
Ito ay kasabay ng pagreretiro niya sa serbisyo sa Disyembre 3.
Pero ayon kay Acorda, ipinauubaya niya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagpili ng susunod ng Chief PNP.
Nabatid na matunog ang pangalan nina PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for operations Police Lieutenant General Michael John Dubria at PNP chief of the directorial staff Police Major General Emmanuel Peralta.
Gayundin sina PNP CIDG director Police Major General Romeo Caramat Jr., PNP Directorate for Information and Communications Technology Management director Police Major General Bernard Banac, PNP Directorate for Comptrollership director Police Brigadier General Rommel Francisco Marbil at NCRPO regional director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez, Jr.
Naniniwala si Acorda na nasa guhit ng Tadhana ang pagiging Chief PNP at maging siya ay hindi makapaniwala na mapipili siya bilang ika-29 pinuno ng pulisya.