ACT-CIS Rep. Eric Yap, positibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na nagpositibo siya sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inanunsyo ni Yap matapos niyang makuha kahapon ang resulta ng kaniyang COVID-19 test na isinagawa noong Marso 15.

Sinabi ni Yap na nakaranas siya ng mga pag-ubo kaya minabuti niya raw magpa-test matapos ma-expose sa iba’t-ibang tao na may exposure din sa ibang nag-positibo sa COVID-19.

Matatandaan na dumalo pa si Yap sa pagdinig ng kanyang komite noong Marso 10 hinggil sa supplemental budget sa Department of Health (DOH) laban sa COVID-19 pandemic.

Humingi na rin ng paumanhin si Rep. Yap sa mga nakasalamuha nito ng dumalo sa pagpupulong sa Palasyo noong Marso 21 at special session sa Congress noong Marso 23 kung saan personal pang nag-sponsor sa house bill 6616.

Kaugnay nito, umaapela ang kongresista sa publiko na sundin ang safety protocols ng pamahalaan lalo na ang pananatili sa loob ng bahay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.