Active cases ng COVID-19 sa PNP, umakyat sa 8

Active cases ng COVID-19 sa PNP, umakyat sa 8

NADAGDAGAN ng 2 bagong kaso ng COVID-19 ang hanay ng pulisya.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) Health Service ngayong Biyernes Hunyo 24, 2022, umakyat sa walo ang aktibong kaso o kasalukuyang nagpapagaling sa sakit.

Mula nang magsimula ang pandemya, umabot na sa 48,888 ang tinamaan ng coronavirus sa PNP, kung saan 48,751 ang mga nakarekober at 129 ang mga nasawi.

Samantala, umabot na sa 222,626 o 98.67 percent ang nabigyan ng booster shot sa pulisya.

Pinaalalahanan naman ng PNP ang kanilang mga tauhan na sundin ang health protocols upang makaiwas sa sakit.

Follow SMNI NEWS in Twitter