NASA 18 na ang active mpox cases sa bansa.
Ang apat na bagong mpox cases ayon sa Department of Health (DOH) ay mga lalaki.
Dalawa ay mula sa Metro Manila habang ang dalawang iba pa ay mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon).
Bagamat tumaas ang mpox cases ay lima naman mula sa 18 ang naka-recover at nai-release na mula sa isolation.