Actual site inspection sa mga nakumpletong bike lanes sa NCR, isasagawa

Actual site inspection sa mga nakumpletong bike lanes sa NCR, isasagawa

MAGSASAGAWA ang House Transportation Committee ng actual site inspection sa natapos ng bike lanes sa National Capital Region (NCR) na itinayo sa ilalim ng Bayanihan 2 Law.

Sa pagdinig ng komite ngayong araw, inaprubahan ang mosyon na magdaos ng actual site inspection ang mga kongresista at masubukan ang mga nakumpletong bike lanes sa NCR.

Matatandaan na sa ilalim ng Bayanihan 2, P1.316 bilyon ang inilaan para magtayo ng sidewalks at bike lanes para matulungan ang mga Pilipino na gumagamit ng bike bilang alternative mode ng transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Batay sa Department of Transportation (DOTr), ang Bayanihan 2 Bike Lane Networks ay nasa Metro Manila, Metro Davao at Metro Cebu.

 SMNI NEWS