Ad interim appointment ng ilang opisyal ng gobyerno, lusot na sa CA

Ad interim appointment ng ilang opisyal ng gobyerno, lusot na sa CA

INAPRUBAHAN na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim ng ilang opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa lusot na sa CA ang pagkakatalaga ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista at ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar.

Ngayong hapon din kinumpirma ng CA ang ad interim appointment ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Kumpirmado na rin ng CA ang ad interim appointment ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioners Ernesto Maceda Jr. at Nelson Celis.

Samantala, lusot na rin sa CA ang ad interim appointment ng 54 generals at senior officers ng Armed Forces of the Philippines at 6 na ad interim appointments ng senior officers ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Follow SMNI NEWS in Twitter