INAPRUBAHAN na ng Asian Development Bank (ADB) ang P500M policy-based loan para sa Pilipinas upang palakasin ang climate resilience ng bansa.
Ayon sa ADB, ang pondo ay gagamitin upang mapaigting ang kakayahan ng bansa sa pagharap sa mga kalamidad tulad ng lindol, pag-aalboroto ng bulkan, at bagyo.
Binanggit din ng ADB na ang Pilipinas ay isa sa fastest growing economies sa Southeast Asia, ngunit nananatiling lubhang bulnerable sa matinding sakuna.