IMINUMUNGKAHI ng Metro Manila Council (MMC) na mai-adjust ang mall hours para maibsan ang nararanasang trapik gaya nalang ng sa EDSA.
Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, ang pag-adjust ng mall hours ay ipinapatupad na rin tuwing Christmas season.
Kamakailan ay ipinatupad ng ilang local government units (LGU) na panibagong work schedule na magsisimula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Layunin nito ang maikalat ang tinatawag na peak hours ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).