TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mananatiling masipag ang administrasyong Marcos-Duterte sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga paaralan, guro, at mag-aaral.
Nabanggit ito ng Punong-Ehekutibo sa kaniyang official social media account sa gitna ng pagtatapos ng National Teachers’ Month habang binigyang-pugay nito ang mga bayani ng edukasyon.
Ayon sa Proclamation No. 242, s. 2011, mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, ay itinuturing na National Teachers’ Month.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos at ang buong pamahalaan sa lahat ng ginagawa ng mga tagapagturo.
Patuloy ring nagsusumikap ang gobyerno upang mapabuti ang buhay ng mga educator.