Administrasyong Marcos, ipagpapatuloy ang pagsusuot ng face mask

Administrasyong Marcos, ipagpapatuloy ang pagsusuot ng face mask

IPAGPAPATULOY ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang patakaran sa pagsusuot ng face mask.

Hinihikayat din ni PBBM ang mga Pilipino na patuloy na sumunod sa mga health protocol kontra COVID-19.

Ito ang paalala ni PBBM sa gitna ng babala ng Department of Health (DOH) na puwede pang tumaas ang bilang ng mga malalang kaso ng COVID-19 sa Agosto dahil sa bumababang immunity habang tumatagal ang bakuna sa katawan ng tao at hindi pagtupad ng iba sa public health standards.

Ang pagsunod aniya sa minimum public health standards ay para din sa kaligtasan ng pamilya o kasama sa bahay.

At epektibo rin ito upang hindi na muling magkaroon ng surge na makaapekto sa ekonomiya.

Pinayuhan din ng susunod na Pangulo ang mga Pilipino na magpaturok ng booster shot.


Follow SMNI NEWS in Twitter