Administrasyong Marcos, kinuha si Paul Soriano bilang direktor ng unang SONA

Administrasyong Marcos, kinuha si Paul Soriano bilang direktor ng unang SONA

KINUHA ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Paul Soriano bilang direktor ng unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 25.

Nagpapasalamat naman si Paul sa oportunidad na ito na binigay sa kanya ng administrasyon ni PBBM.

Saad pa nito, nakahanda siya sa anumang oras na kakailanganin siya ni Pangulong Marcos at gagawin niya ang kanyang best.

Samantala, magiging simple at tradisyunal ang unang SONA ni PBBM ayon kay Paul.

Kaugnay nito, mismong si Pangulong Marcos ang tumutok sa kanyang magiging talumpati sa SONA kung saan ito ay magiging maiksi, malinaw at direct to the point.

Ayon naman kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, nasa 1,365 na personalidad ang kabuuang bilang ng inimbitahan para dumalo sa SONA.

Follow SMNI NEWS in Twitter