WALA pang hinihirang na chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang inihayag ng Palasyo ng Malacañang kasunod ng kumakalat na balita na si George Erwin Garcia ang susunod na PAGCOR chair.
Nilinaw ni Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles na hindi totoo ang kumakalat na balita.
Samantala, nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos si Adelio Angelito Cruz bilang bagong hepe ng Presidential Protocol sa Palasyo ng Malacañang.
Si Cruz ay nagsilbi bilang Consul General ng Pilipinas sa Los Angeles, California mula 2016 hanggang 2021.