AMINADO ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maraming problema na kinakaharap ang bansa.
Ito ang tinuran ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa pagbubukas ng National Election Monitoring Action Center ng PNP sa Kampo Krame.
Kaya naman hinihimok nito ang publiko na iboto ang nararapat na mga politiko na maglilingkod sa bayan at susolusyunan ang mga hamon ng bansa.
Sa katunayan, katuwang ang kanilang hanay sa pag-iimbestisga o background checking sa mga kumakandidato para matiyak na hindi na umano maulit ang nakaraang halalan.
Naniniwala ang heneral na matalino na aniya ang mga Pilipino sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga kandidato ngayong paparating Midterm Elections sa Mayo.