AFP at DND, bukas na muling pag-aralan ang fix term policy sa AFP

AFP at DND, bukas na muling pag-aralan ang fix term policy sa AFP

BUKAS si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Andres Centino na muling pag-aralan ang kasalukuyang implementasyon ng 3-year fix term policy sa loob ng AFP.

Ayon kay Centino, bata pa naman ang batas na maaaring baguhin o amyendahan, depende sa rekomendasyon ng kasalukuyang Senado na nauna nang naghain ng amyenda para dito.

Pero para sa kanya, maganda naman ang intensiyon ng batas sa kanilang hanay bagamat may kailangan lang ayusin sa implementasyon nito pero bigo naman nilang isinapubliko ang kanilang dahilan.

Sa ngayon ipinauubaya na muna nito sa Kongreso ang kaparalan ng Republic Act 11709. fix term

Ayon sa Senado, nais nitong talakayin ang batas kung ano ang mas makabubuti rito upang maiwasan ang tampuhan lalo na ng mga junior officers ng AFP.

Follow SMNI NEWS in Twitter