AFP, ayaw magbigay ng espekulasyon sa namataang 122 Chinese vessels sa WPS

AFP, ayaw magbigay ng espekulasyon sa namataang 122 Chinese vessels sa WPS

MULA sa 104 na Chinese vessels noong nakaraang linggo, ay umakyat sa 122 ang bilang ng mga sasakyang pandagat ng China na na-monitor sa West Philippine Sea (WPS).

Base sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang dito ang 106 Chinese maritime militia vessels (CMM), 12 China Coast Guard (CCG) ships, at 3 People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, hindi sila makapagbigay ng espekulasyon kung ano ang rason sa dumaraming bilang ng Chinese ships.

“This varies every week, there are certain cases na tumataas ang bilang nila. There are also certain cases na bumababa ang bilang nila. We cannot of course speculate on this kung ano ang reason behind. But some of the reasons could be — iyong huli bumaba siya kasi ‘yung weather natin was not good in this area. So, there will be also less presence of vessels in the area,” ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, Spokesperson, AFP.

Nabanggit ni Padilla na ang WPS na bahagi ng South China Sea, ay maituturing na isang napaka-busy na koridor.

“Come and go din dyan ang other vessels. Over all we could not really speculate on the numbers,” ani Padilla.

Ngunit aniya, ang mahalagang bigyang-diin dito ay kayang subaybayan ng AFP ang presensiya ng mga sasakyang pandagat na ito sa WPS.

“But what is important to emphasized is that Armed Forces of the Philippines is able to monitor this presence and act accordingly, with the issuance of challenges and of course kung ano ang mga aksyon na kailangan gawin ng Sandatahang Lakas,” dagdag pa nito.

Namataan ang presensiya ng nasabing Chinese vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands, Kota Island, Lawak Island, Panata Island, Patag Island, Escoda Shoal, Julian Felipe Reef, Rozul Reef (Iroquois Reef).

Una nang inihayag ng tagapagsalita ng Philippine Navy na bagama’t tumaas sa 122 ang bilang ng mga barko ng China sa WPS nitong linggo ay hindi pa aniya ito maituturing na nakakaalarma.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble