AFP, binigyang-pugay si outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana

AFP, binigyang-pugay si outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana

NAGBIGAY ng Testimonial Parade and Review ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Camp Aguinaldo.

Pinangunahan ni AFP chief of staff General Andres Centino ang pagbibigay-pugay kay Lorenzana para sa buong suporta nito sa kampanya at programa ng AFP.

Sinabi ni Centino na sa loob ng 6 na taon ay walang humpay ang kalihim sa pagpatutupad ng AFP Modernization Program na naging daan upang magampanan ng militar ang kanilang mandato sa estado.

Gayundin ang mahusay na pamumuno nito sa kasagsagan ng Marawi Crisis, COVID-19 pandemic, at ang pagpatutupad ng iba’t ibang programa tulad ng Barangay Development Program, at Tatak ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad.

Nagpasalamat din si Centino dahil sa suporta ng kalihim ay naipatupad ang pagtaas ng sahod ng mga sundalo, pagpapaganda ng kanilang pasilidad at disenteng tahanan para sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

Sa talumpati ni Lorenzana, pinasalamatan nito ang lahat ng nakasama at nakatrabaho mula sa pagiging isang kadete sa high school at Philippine Military Academy (PMA), sundalo ng Philippine Army at kalihim ng Department of National Defense.

BASAHIN: Bagong Deputy Chief of Staff for Education Training and Doctrine ng AFP, umupo na sa pwesto

Follow SMNI NEWS in Twitter