AFP bukas makipagtulungan sa Kamara hinggil sa usapin ng CF ng opisina ni VP Sara Duterte

AFP bukas makipagtulungan sa Kamara hinggil sa usapin ng CF ng opisina ni VP Sara Duterte

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa House of Representatives (HOR) na makikipagtulungan ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa paggamit ng Confidential Fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Padilla na handa nilang iharap sina Col. Reymund Dante Lachica at LtCol. Dennis Nolasco sakaling kailanganin ang mga ito na nadadawit dahil sa diumano’y pagkubra ng Confidential Funds ng Pangalawang Pangulo.

Si Lachica ay kinumpirma ng AFP bilang kasalukuyang Commander ng VPSPG na kasalukuyang na “schooling”.

Sa ngayon, may gumugulong na rin na internal investigation ang AFP sa usapin at wala pang resulta ukol dito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter