AFP Chief Gen. Filemon Santos Jr, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si AFP Chief of Staff General Filemon Santos.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos makuha ang resulta ng heneral kahapon.

Ayon kay Lorenzana, simula ngayong araw na naka-self quarantine sila bilang pagtalima sa ipinatutupad na protocol.

Sa ngayon, wala namang nararamdamang na sintomas ng COVID-19 ang kalihim.

Sinabi ni Lorenzana na dalawang okasyon sila nagkasama ni Santos.

Una ay sa Villamor Air Base sa Pasay kung saan itinurn-over ang mga donasyong medical supplies nitong March 21.

Habang nitong March 22 ay nagkita rin sila ni Santos sa Heroes Hall sa Malacanang.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.