MAINIT na sinalubong si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr. sa pagdating sa AFP Western Command (WESCOM) headquarters sa Puerto Princesa City, Palawan.
Pinangunahan ni AFP WESCOM Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang pagbibigay ng arrival honor sa bumibisitang opisyal.
Ito ang unang command visit ni Brawner sa WESCOM bilang pinuno ng Sandatahang Lakas.
Agad nitong pinangunahan ang command briefing kasama ang mga opisyal ng WESCOM.
Magkakaroon din ng talk to troops si Brawner bilang bahagi ng pagpapataas sa morale ng mga sundalo sa tinaguriang ‘Philippines, Last Frontier’.
Pagkakataon ito ng heneral upang personal na alamin ang pangangailangan ng mga sundalo lalo’t sila ang nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).