AFP chief sa mga tauhan ng AFP: Maging tapat sa watawat at sa tungkulin sa bayan

AFP chief sa mga tauhan ng AFP: Maging tapat sa watawat at sa tungkulin sa bayan

PINAALALAHANAN ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner, Jr. ang officers, enlisted personnel, at civilian employees ng militar na manatiling tapat sa watawat at sa tungkulin sa bayan.

Ito ay kasabay ng paggunita sa ika-33 anibersaryo ng AFP Code of Conduct na itinampok ang kanilang renewal of pledge of allegiance.

Sa mensahe ni Brawner na ipinarating ni Lieutenant General Arthur Cordura, Vice Chief of Staff ng AFP at Chief of the Office of Ethical Standards and Public Accountability, iginiit nito sa lahat ng mga tauhan ang kanilang responsibilidad na magsilbing huwaran at magpakita ng disiplina.

Ang pagiging bahagi aniya ng militar ay malaking responsibilidad na itaguyod ang kaayusan, disiplina, at integridad sa lahat ng kanilang ginagawa, gayundin sa pagpapanatili ng pinakamataas na antas ng moral conduct.

Hinimok din ni Brawner ang lahat ng mga tauhan na maging aktibo sa pagsasakatuparan sa bisyon ng AFP bilang isang world-class na sandatahang lakas.

Ang AFP Code of Conduct ay batay sa RA 6713 (Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Follow SMNI NEWS on Twitter