NANGAKO ang 10th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito iiwanan ang Davao Region.
Ito’y matapos na ideklara ang lugar bilang insurgency free.
Ayon kay 10th Infantry Agila Division Commander MGen. Nolasco Mempin, mananatili ang kanilang monitoring sa buong lugar upang hindi maantala ang mga programa ng pamahalaan dito.
“Ngayon na cleared na, dismantled na ang mga armed groups here in Region 11, ang AFP po ay andiyan pa rin. Para ma-sustain natin ito kailangan mag tuluy-tuloy ang proyekto na nasimulan na natin kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan,” ayon kay MGen. Nolasco Mempin.
Tiniyak din ng militar na hindi na muling makakapanalasa ang teroristang komunistang kilusan na CPP-NPA-NDF sa rehiyon.
“We remain watchful to protect the gains we have attained in the region. Sustainment is a challenge for all of us in the government to prevent the recovery and resurgence of insurgents,” dagdag ni Mempin.
Ilan sa mga ginagawa ng tropa ng pamahalaan ay ang security at visibility patrols lalo na sa mga nagpapatuloy nang programang pangkabuhayan para sa mga residente dito.
“We are continuing our security and visibility patrols as well as our assistance and facilitation of the livelihood programs coming from various government agencies,” aniya pa.
Nakasisiguro ang militar na sa ilalim ng kanilang tulong at serbisyong pang seguridad ay magiging mabilis ang pagbangon ng Davao de Oro na una nang nalugmok sa kahirapan dahil sa impluwensiya ng CPP-NPA-NDF.
“If we analyze the insurgency problem, it somehow boils down to good governance. Kasi lahat ng mga nire-raise na issues ng mga vulnerable sectors dun sa Gidas ay ang LGU at mga LGAs makapagbibigay ng kaukulang lunas o tugon,” saad pa ni Mempin.
Bukod sa AFP, malaking bagay rin ang maayos na ugnayan nito sa Philippine National Police sa kanilang regular na pagpapatrolya sa buong lugar upang maiwasan ang muling pagpasok ng mga kriminal at terorista sa rehiyon.
“Malaking role ng ating PNP kasi yung kanilang revitalized pulis sa barangay (RPSB) ang dumugtong sa ating programa sa AFP sa pag-assist natin sa community,” pagtatapos ni Mempin.