NAKAHANDA na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdiriwang ng kanilang ika-88 anibersaryo ngayong araw.
Inaasahan ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa aktibidad sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City mamayang hapon.
Tema ng pagdiriwang ay “Rising over the Challenges in Service to the Nation.”
Bahagi ng aktibidad ang parada ng division-size dismounted at mounted contingents.
Ipapamalas ng AFP ang kanilang mga bagong kagamitan.
Habang magkakaroon din ng high-speed pass ang dalawang F-50 Fighter jets ng Philippine Air Force bilang hudyat ng pagsisimula ng palatuntunan.