TATAYO bilang bagong tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Colonel Medel Aguilar.
Pinalitan niya si Colonel Ramon Zagala na itinalaga bilang bagong pinuno ng Presidential Security Group (PSG) at Senior Military Assistant ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Aguilar, mananatili ang commitment ng AFP na protektahan ang bansa.
Ipinagmalaki rin niya ang tagumpay ng militar sa laban sa communist terrorist, kung saan mula sa 89 na guerilla fronts ay bumaba ito sa 23 ngayong 2022.
Bago nito, si Aguilar ay nagsilbing deputy commander ng Civil Relations Service (CRS) ng AFP.
Si Aguilar ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Tanglaw-Diwa Class of 1992.