MAGKAKAROON ng P50-B pondo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program sa susunod na taon.
Ang naturang pondo ay bahagi ng panukalang P419.3-B para sa 2025 budget ng Defense sector.
Matatandaan na nakatakdang i-deliver sa 2025 at 2026 ang corvettes ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng P28-B.
Ang naturang corvettes ay may kakayahan para sa anti-ship, anti-submarine, at anti-warfare missions.