AFP naglabas ng pahayag kaugnay sa panibagong insidente sa BRP Sierra Madre

AFP naglabas ng pahayag kaugnay sa panibagong insidente sa BRP Sierra Madre

MULING nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang karapatan o legal na awtoridad ang Chinese Coast Guard na manghimasok sa mga lehitimong operasyon o sirain ang mga ari-arian sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. matapos ang panibagong insidente sa Ayungin Shoal, matatandaan noong Hunyo 17 muling nagsagawa ng humanitarian rotation and resupply mission ang pamahalaan sa BRP Sierra Madre.

Aniya ang walang ingat at agresibong kilos na ito ng China ay isang malinaw na paglabag sa pandaigdigang batas sa karagatan at soberanya ng Pilipinas.

Mariing kinokondena ng AFP ang mga aksiyon na ito, na hindi lamang lumalabag sa mga karapatang pandagat kundi nagdudulot din ng malaking panganib sa rehiyon.

Nananatili aniyang tapat ang AFP sa pagpapatupad ng batas at makikipagtulungan sa mga internasyonal na kasosyo upang tiyakin at mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea at sa Indo-Pacific Region.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble