AFP, nagpaabot ng pagkilala sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics

AFP, nagpaabot ng pagkilala sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics

SUNUD-sunod ang pagkilala na ipinaabot ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para kay Surgent Hidilyn Diaz bilang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics sa Japan.

At isa rin sa proud na nagpaabot ng pagpapasalamat at pagbati ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dugo at pawis umano ang pinuhunan ni Hidilyn Diaz para marating ang matayog na tagumpay ngayon.

Mula sa mga pahayag ng Olympic gold medalist, inamin niyang hindi naging madali ang mga pagsasanay mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa larangan ng isports partikular na sa weightlifting.c

At sa wakas nakamit din ng bansa ang napakailap na gintong medalya matapos ang halos 100 taon na kampanya sa mga nagdaang Olympics kung saan bibihirang bilang ng Pinoy lang din ang nakakapasok sa nasabing patimpalak.

Bukod sa saya ng pamilya ni Hidilyn, wala ring mapagsidlan ng tuwa at pagbati ang pamunuan ng AFP dahil  sa tagumpay na handog nito  para sa bayan.

Ayon sa AFP, isang masterful performance and ipinakita ni Diaz sa ilalim ng bagong Olympic record sa weightlifting sa kanyang kategorya.

Ipinagpasalamat din nito ang karangalan na dala ni Diaz sa hanay ng AFP at ng buong bansa.

“The AFP congratulates the first Filipino Olympic gold medalist, Sgt. hidilyn diaz PAF. Her masterful performance in the Tokyo 2020 Olympics, where she also set an Olympic record in the 55kg division,  brought pride and glory to the AFP and the country,”pahayag ng AFP.

Itinuturing din na malaking reward o kabayaran ito sa mga ipinakita pagsisikap at dedikasyon ni Diaz sa napiling isports

“We are now more than ever inspired by her exceptional hardwork, perseverance, and dedication. We wish her the best moving forward. Soar high, airwoman!” ayon pa sa AFP.

Nauna nang sinabi ni Hidilyn bago ito umalis ng bansa patungong Tokyo na ang laban niya at ng iba pang kasamahan sa grupo ay magiting na iniaalay nito sa mga sundalong nasawi sa nagdaang plane crash sa Patikul, Sulu lulan ang 96 na mga sundalo at iba pang miyembro ng sandatahang lakas ng Pilipinas, at ikinasawi ng 53 katao.

“The AFP will continue to support our military athletes all the way, especially under the renewed partnership with the Philippine Sports Commission to further elevate their skills and capabilities. We are one with them and all the Filipino delegates in the strong desire to raise the country’s flag in the global sports scene,” ayon naman kay General Cirilito Sobejana, Jr., Chief of Staff, AFP.

Samantala, mula sa pagkapanalo ni Diaz sa Tokyo Olympics, nakatakdang tumanggap ang Philippine pride ng iba’t ibang pagkilala at insentibo mula sa pamahalaan at pribadong indibidwal at kompanya.

Batay sa impormasyong nakalap ng SMNI News, aabot sa mahigit sa P50 milyong halaga ng pera, lupa at bahay ang ipagkakaloob sa kanya oras na makabalik na ito sa bansa

Sa kabilang banda, sa kasaysayan ng Olympics, marami na rin tayong mga Pinoy athletes na nakibahagi sa nasabing patimpalak at nanalo ng medalya.

Narito ang buong listahan ng mga Athlete-Hero ng ating kasaysayan;

  • Hidilyn Diaz, Gold for Weightlifting, 2020 (2021)
  • Hidilyn Diaz, Silver for Weightlifting, 2016
  • Mansueto Velasco, Silver for Boxing, 1996
  • Roel Velasco, Boxing, 1992
  • Leopoldo Saranters, Boxing, 1988
  • Anthony Villanueva, Silver for Boxing, 1964
  • Miguel White, Bronze for Track and Field, 1936
  • Tiofilo Yldefonso, Bronze for Swimming, 1932
  • Jose Villanueva, Bronze for Boxing, 1932
  • Simeon Toribio, Bronze for High Jumper, 1932
  • Tiofilo Yldefonso, Bronze for Swimming, 1928

Umabot sa 97 na taon ang hinintay bago nakamit ng Pilipinas ang kauna-unahang gold mula ng tayo’y sumali noong 1924, ito ay sa katauhan ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.

Ito rin ang ikalawang Olympic medal ni Diaz, una na itong nagkamit ng silver noong Olympic 2016.

Ikalawang atleta rin si Diza sa kasaysayan na nakapagkamit ng dalawang medalya. Unang nakamit ni Tiofilo Yldefonso ang dalawang bronze medal sa swimming noong 1928 at 1932 Olympic.

BASAHIN: Weightlifter Hidilyn Diaz, pinakaunang nakatamo ng Olympics gold medal para sa bansa

SMNI NEWS