NAGPASALAMAT sa mga Pilipino sa mataas na tiwala sa kanilang hanay ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagpasalamat ang AFP sa mga Pilipino sa patuloy na pagtitiwala sa kanilang hanay.
Ito’y kasunod ng Pahayag Survey ng Publicus Asia kung saan kabilang ang AFP sa may pinakamataas na trust rating mula sa mga ahensiya ng gobyerno.
Batay sa survey, nakuha ng AFP ang 66 porsiyento na approval rating at 56 porsiyento na trust rating.
Nanguna naman sa approval and trust rating survey ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na sinundan ng AFP at Department of Science and Technology (DOST).
Isinagawa ang ‘Pahayag 2023 second quarter survey noong Hunyo 7 – 12 na nilahukan ng nasa 1500 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.