NANUMPA ang mga tauhan na Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang poprotektahan at itataguyod ang karapatang pantao sa bansa.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Human Rights Consciousness Week.
Pinangunahan ni AFP vice chief of staff Major General Arthur Cordura, kinatawan ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang aktibidad sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Habang si AFP Center for Law of Armed Conflict director Brigadier General Joel Alejandro Nacnac ang nanguna sa pledge of commitment sa human rights na bahagi ng kanilang tungkulin sa mamamayan.
Ang AFPCLOAC ay magkakaroon din ng iba’t ibang aktibidad upang maitaas ang kamalayan ng mga tauhan ng militar tungkol sa karapatang pantao.
Tatagal hanggang Disyembre 10 ang aktibidad na may temang “Pagtaguyod at Pagsulong ng mga Karapatang Pantao tungo sa Matatag na Pundasyon ng Kapayapaan, Katarungan, Kalikasan, Kaunlaran, at Bayanihan.”