AFP, nakiisa sa paggunita ng International Humanitarian Law Day

AFP, nakiisa sa paggunita ng International Humanitarian Law Day

NAKIISA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang government at non-government agencies sa paggunita ng International Humanitarian Law (IHL) Day.

Ang IHL Day Commemoration Ceremony ay ginanap sa AFP Commissioned Officers Country sa Camp Aguinaldo, kung saan ang Department of National Defense (DND) ang nagsilbing host.

Pinangunahan ni Brigadier General Joel Alejandro Nacnac, director ng AFP Center for Law of Armed Conflict (AFPCLOAC) ang delegasyon ng Sandatahang Lakas.

Isa sa mga highlights ng aktibidad ay ang pagbubukas ng isang photo exhibit na nagpapakita ng kahalagahan ng IHL at human rights.

Sa bisa ng Executive Order 134 series of 1999, idineklara ang Agosto 12 bilang araw ng IHL.

Follow SMNI NEWS in Twitter