NAKIISA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamahagi ng Department of Education (DepEd) ng digital devices sa iba’t ibang paaralan sa Visayas at Mindanao.
Sa datos, 630 televisions, 630 laptops, at 630 laptop bags with accessories ang dinala sa 156 schools at 407 teachers sa Region 7.
Sa Caraga, 290 televisions at 290 external hard drives ang nai-deliver sa 73 schools at 62 teachers.
Sa Region 10-Cagayan de Oro naman ay nasa 464 laptops, 464 laptop bags with accessories, at 264 televisions ang naihatid sa 412 schools at 686 teachers doon.